318 - Jesus na Kaibigan

Jesus na Kaibigan ng kaluluwang banday
Ako'y huwang bayaang madaig ng kaaway;
Ikanlong ako, Jesus, ng Iyong pagkupkop
Hanggang sa mangatapos bagabag at sigalot.

Walang ibang kanlungan akong matatahanan
Ikaw nga, Ikaw lamang aking inaasahan;
Ang tulong na sagana sa Iyo'y nagmumula
Ako ay kinalinga sa hirap at dalita.

Sa Iyo nasumpungan higit sa kailangan
Patay ay binubuhay bulag ay inaakay;
Akong makasalanan gumon sa kamalian
Ay Iyong kahabagan biyaya Mo'y pakamtan.

0:00 0:00